OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Magandang buhay mga kapatid sa paniniwala! Ako’y nagbabalik para sa ikalawang bahagi ng aming pamemerwisyo este pamamasyal sa probinsya ng Romblon! At eto ay nakasentro sa notorious na Mt. Guiting Guiting! Para sa mga hindi pa nakakasubok akyatin ang bundok na to. Spoilers alert! Sobrang lupit niya! Hahahahahahaha! Pero ang lupit na yun ay double edge! Hahahahaha! Malupit siya in a sense na sobrang ganda ng view at ng kapaligiran! Pero ang lupit niya rin pag dating sa usapin ng difficulty ng isang bundok. Grabe! One word for this great mountain. DELIKADO! Hahahahahahahhaha! So let’s proceed na bago pa humaba to!

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Si Mt. Guiting Guiting pinangalan siya mismo sa description ng bundok. Para kasing ngipen lagare yung ichura niya eh. Matalim at matulis na mga terrain. Akala ko nga, kasi mga maGUITING lang ang mga nakakaakyat dati dun. Hindi pala ganun. Hahahahahahahahahaha! Natawa ako sa reasoning ng utak ko eh. Hahahahahahahaha! Madalas ako natatanong kung ano mas mahirap akyatin Mt. Halcon ba o Mt. Guting Guiting, Para sakin mas mahirap parin yung Halcon, Pero definitely mas delikado ang G2! Grabecious kasi yung trail niya! Try to imagine this, Dba sa ibang bundok usually pinagbabawalan tayo ng mga guide na dumaan sa certain path kasi madulas, matarek, mabato, or wala masyadong daan na maayos? Sa G2 yun mismo yung daan! Ibang klase lang talaga. Meron pang time na para lang makatawid ka, kailangan mong apakan yung kamay nung guide. Hindi to OA. Meron talagang ganong part! Hahahahahahaha! Shookt talaga ako nun! Hindi ko alam panong tapak gagawin ko tapos kaya pala nakatambay yung isa naming guide kasi para pag di mo alam pano tatawid ooffer niya yung kamay nya para tapakan mo! Juicecolored talaga! Eto pa, Meron nung kiss the wall ang tawag. Ang sistema eh yung lalakaran mo tipak lang na bato tapos wala kang sasandalan kasi bangin yung nasa likod. At para sakin di ko makita yung next natatapakan ng paa ko, so andun na naman si kuya na guide para dakutin yung kamay ko at iguide san ako hahawak! Windang talaga ako! Tapos naka full pack ka na 50ltrs na bag ka!  Hahahahahahahahha! Katakot talaga! And cherry on top, wala kang pwedeng aksayahing energy mo para sa reklamo mo kasi malayo pa yung tatahakin nyo. Hahahahahahaha!

OI000333.jpg

Matapos ang dalawang araw at isang gabing pagakyat! Narating narin ang Summit! Sa totoo lang medyo mahirap daw talaga makatsamba ng clearing dito. Swerte kami at sa ibang parte ay may view kaming nakita. Hindi puro fog. Pinanghihinaan na kasi kami ng loob eh. Paano ba naman may mga nakasalubong kami nung umaga ng 2nd day na ang plano eh hindi ituloy kasi sobrang layo pa raw tapos laspag na katawan nila. Buti na lang di kami nagpadaig sa takot at tinuloy parin. Ayun! Worth it naman lahat ng takot at alinlangan! At hindi pa nagtagal nagumpisa na rin kaming bumaba kasi naghahabol pa kami ng araw. Mahirap kasi abutan ng dilim sa trail eh, Lalong magiging delikado.

OI000229.jpg

Eto ichura namin nung full energy pa kami. Wala pang bangas ng putik. Di pa alintana ang pagod. PawisFree pa! Hahahahahaha! Hindi ko alam bakit feeling ko ang ganda ng chemistry ng grupo kong to. Walang pressure whatsoever. Walang nagpapalakasan. Walang nakikipagpataasan ng ihi. Sa totoo lang di naman kami pare pareho ng ugali bagkus magkakaiba pa nga eh. As in. Pero pag nagkasama sama kami  in sync kami lahat. Siguro malaking parte nun eh nabuo kasi tropahan namin sa kabundukan. And I believe na kapag mas mahirap yung inaakyat nyong bundok mas lalo kayong nagiging siksik bilang magkakaibigan kasi lalong napapractice yung camaraderie eh. Siguro kung naalala nyo pa yung thesis days nyo. Magkakaibigan or magkakakilala na kayo before pa ng thesis dba? Pero Somehow after ng defense at naipasa nyo na yung subject, feeling nyo lalo kayong naging close. Kasi sama sama kayong dumaan sa hirap eh. Lahat ng inside jokes. Lahat ng throwback memories. Yun yung nag glue sa inyo. Siguro same lang din pag dating sa bundok. May feeling ng accomplishment and yung thought na may kasama ka magcelebrate. Pansinin nyo, minsan may mga bagay naman tayong worth celebrating pero di masyado nagmamarka sayo. Pero kapag yung accomplishment by group nyo nagawa or natapos. Ang sarap mag reminisce kasi may kabatuhan ka ng “naalalal mo pa ba yung ganto ganyan? Lupet no?” Para sakin it matters eh. Bawat isa saten deserve na magcelebrate ng accomplishments naten ng hindi magisa! Take note of that! Find a friend, a partner, a family to keep. Super healthy promise.

OI000382.jpg

Last na to, bago ako magclosing remarks. Hahahahahahaha! Gusto ko lang bigyang pugay ang taong to. At bago ang lahat huwag kayong ano jan! Hindi yan porter, bangkero, guide, local o ano pa man! Kasama namin mismo yan! Si kapatid na Jason yan! Hahahahahahahaha! At yung bag niyang yan. Dala niya yan buong trek. 3days niyang bag yan. Ang sistema kasi eh kailangan pala kami mag provide ng porter bag pero sabi nung nagtanong kami hindi raw. Grabehan lang. So si Jason ang nagsakripisyo. Siya ang nagSAKOBAG! Para may magamit na bag yung porter. So Kaya ako bilib dito kasi kahit kailan hindi napikon. As in siya lagi pulutan. Kukupalin namin siya tapos maiiba ng konti yung topic and then pag mejo tumahimik balik na anamn sakanya! Bwahahahahaha. Pero imbis na mapikon ang ganti lang na ginagawa niya ay malinamnam na ngiti. Hahahahahaha! Lagi lang nakasmile. Kaya nakakahawa. Hahahahaha! Ang tingen ko sakanya eh spark ng grupo. Sakanya lagi naguumpisa yung tawanan and magkakadamayan na. Nakikita ko siyang isa sa nag gglue sa group namin.

So ayun! Ang tagal ng delayed nitong entry na to. Hahahahahaha! Miss ko na tong grupo na to. At the back of my mind hindi magtatagal ng hanggang dulo tong grupo. Hindi ko alam bakit. Siguro dala yun ng pagiging pessimist ko. Ayoko kasi madisappoint eh. Kaya inuunahan ko na. Pero until that time. Susulitin ko tong grupo na to. Para kung mag part ways man. Walang sisihan. Lahat tayo deserve natin magkaron ng mga kaibigan tulad nito. Pero di lahat mapalad na nabibigyan ng ganito. Kaya para dun sa merong gantong mga tropa, huwag nyo na pakawalan. Huwag niyong kupalin dahil lang sa maliit na bagay. Kasi sayang. At para dun sa mga walang ganto. Wait ka lang. Tuloy mo lang pag improve sa sarili mo. Para pag anjan na pagkakataon. Di masayang! Nasa kalagitnaan ako ngayun ng malaking transition ng buhay ko! At laking pasasalaman ko at anjan lang sila. May pwede ako takbuhan kapag di ko na kaya. Salamat mga kaibigan!

Advertisements