So ayun nga no! Mejo kakaiba ang nangyare sakin nitong huling weekend. Ang orihinal na plano eh aakyat ako ng Mt. Tapulao para pampakundisyon ng katawan ko sa susunod na mas mahirap na bundok.
Kaso nagkaproblema sa schedule ng mga kasamahan ko, kaya nauwi ako sa piyesta sa Cavite. Eto ang una kong nakakapagtakang pangyayari ng weekend na yun.
Marami akong option kung saan ako pupunta pero hindi ko mawari kung bakit ako nauwi sa Cavite. Marahil eh talagang magaan ang loob ko sa mga taong kasama ko. Malamang yun ang dahilan.
Habang bumabyahe ako, ang nasa isip ko eh sulit kaya tong pagod ko sa pag dayo sa Cavite? Sulit ba na hindi ako umakyat para sa piyesta? Mga ganung agam agam.
At ang mga katanungan na yun ay unti-unti ng nasagot. Mula sa pagkalito napunta ako sa estado ng pagkakuntento.

Ang mga kasama ko nga pala sa lakad na to eh ang magkapatid na si Jr at Cedriex Escover na hindi ko malaman bakit ang gaan gaan ng loob ko.
Si Aj na hyper lagi. Sobrang maaaliw ka sa kanya kasi marerealize mo na pwedeng magaan lang ang buhay. Pwedeng simple lang. Na hindi na kailangan ng mga magarbong kung ano-ano para maging masaya.
Si Karen na nilamon na ng sistema ng Wordscapes(mobile game). Hahahahahahaha! Si Karen ang unang nakakapuna kapag naghaharot na naman si AJ. Nagkakatinginan kami at hagalpak talaga kami sa tawa. Anjan yung lalaurin ni Aj yung baka, magtatatatakbo sa bakuran, hahagis yung sumbrero at kung ano ano pa. Sobrang simple lang pero kung andun ka mismo sa aktwal na pangyayari mauubos hangin mo kakatawa. Hahahahaha!
Si Jomar kaso hindi ko masyado nakasama kasi umuwi din sya agad at nalate kami ng punta. Pero marami pang pagkakataon!
At si Jelli na kala mo’y walang muwang sa buhay pero pagnakausap mo eh ang dami ng pinagdaanan, daming hugot, mga karanasang kapupulutan ng aral. Maasahan mo kesyo tawanan o malaliman na usapan.

Salamat pala sa mga magagandang litrato AJ! Ang galing kasi kuhang kuha nya yung pakiramdam ng buhay probinsya. At ayun na nga! Sobrang hindi ko inexpect na magiging ganito ako kasaya! Nakumpirma ko talaga na gusto ko yung simpleng buhay lang. Pag naglakad ka sa labas ng bahay nyo yung tipong halos lahat ng kapit bahay mo kakilala mo. Binabati ka. Laging may nakangiting kanayon! Ang gaan sa pakiramdam.
Sobrang eksakto siya dahil nalalapit na ang pagtatapos at paguumpisa ng panibagong yugto ng buhay ko.
Yung mga ganitong bakasyon ko ang nagpapaalala sakin na kahit anong bugbog gawin sayo ng siyudad, meron kang pwedeng balikang probinsya kung saan pwede ka maging totoo sa sarili mo.
Nalulungkot kasi ako pag nasa Maynila ako. May feeling ako na dapat handa ako lagi, dapat guarded, feeling ko lagi akong dadayain. May mga sitwasyon na gusto kong tumulong pero matatakot ka or manghihinayang ka kasi bandang huli ikaw pa masama.
Kaya’t sa tuwing nakakaramdam ako ng buhay probinsya, nakakabalik ng tiwala at nakakataba ng puso. Kaya maraming sa Pamilya Escover na ang erpats at ermats ay laging nakafull smile! Nakakatuwa talaga! Nag Beauty Pageant pa si Dudong at mejo masama pakiramdam ko kasi nadaya siya! Hahahahahahhhaha! At sa cute na utol nila Ced at Jr! Maraming salamat ulet sa pagpaparamdam sakin na hindi natin kailangan baguhin sarili natin para sa Maynila. Hanggang sa muli!

Advertisements