P2245718.JPG

Magandang buhay mga repapips! So ayun nga no! Nakabalik na ulet ako ng Mt. Pundaquit! Parang every year ata may dalaw ako dito! At ang nakakabilib dun eh bawat bisita ko iba’t ibang klaseng pangyayari ang aking nararanasan! At sa pagkakataong ito ako’y naimbitahan sa anibersaryo ng grupong TrailMakers!

Ibang klase tong nasamahan ko, First time kong makasabet sa ganito kalaking group! At sobrang pasasalamat kong inaya nila ako! Ibang level yung saya! Sobrang kulet at iba ibang katangian ang matutunghayan sa lakad na to! Hahahahahahaha!

Sa totoo lang sobrang simple lang ng lakad na to. Akyat kami sa napakainit na Mt. Pundaquit tas bababa kami ng Anawangin at magbabangka papunta sa Talisayen Cove. Pero yung mga taong mga kasama ang nagbigay ng buhay sa alis kong to. Parang 2days ata akong pirming nakangiti!

Tapos meron pang nagpropose! Grabe lang! Sobrang basic lang ng gimik niya, Pero tutusok sa puso mo at may bubulong na Tarages! Sana ako rin! Hingi lang siya sa group ng very small favor then luhod, fairy lights and solemn message. Then the rest is history!

And just to put cherry on top sa experience na to. Ang dinig ko kay Romuelito or kay Whe(Organizer) eh part ng malilikom na pera eh idodonate sa mga taga Albay! Yung mga nasalanta ng Mayon! Ohaaaa! Saan ka pa diba? Salute to you brader!

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

So ayun! Pakilala ko muna yung mga taong tumatak sakin, Sobrang pasensya na diko talaga kaya banggitin lahat! Hahahahahahaha!
Jomar, backbone ng grupo namin to. Sakanya naguumpisa lahat ng asaran, kantyawan at lahat lahat! Grabe! Hindi pa napipikon! Solid to! Namiss ko nga agad kasama to eh! At ang di ko makakalimutan eh mahiyain daw ang puso niya. Hahahahahaha!
Jr(Dong), hindi ko rin masabi bat ang gaan gaan ng loob ko dito. Sa totoo lang ngayun palang talaga kami nagkasama sa isang event pero kung ituring ako parang matagal na kaming magkaibigan. Solid! At siya rin ang nagaya sakin sa lakad na to kaya maraming salamat Kap!
Rj, Isa pa to! Nakasalubong ko lang sila sa Mt. Pigingan, then binati ako tapos ayun! Kinupkop na lang ako bigla! Grabe! Di ko alam kung bakit pero mukang likas talagang mababaet yung grupo na to!
Karen, eto naman sobrang giliw! at lagi lang nakangiti! Pero nung may time na lumalim na ang kwentuhan, makikita mo talaga na sa kabila ng masayahing personalidad eh nagkukubli ang mga kwentong madamdamin.
AJ, Boyish! Sobrang cool lang! At maganda ngumiti! Kaya di nakakapagtaka na nahulog agad si Dong eh! Kahinaan talaga namin yang mga ganyang galawan!
Alexa, Top of my mind! Lasenggera! As in! Grabe to lumaklak, Kung yung ibang tao nagrereklamo kasi mejo mataas yung tagay, eto ibahin mo, nagpapadagdag kasi biten daw yung tagay. Shookt si ako talaga! Hahahahahaha! Pero ang gustong gusto ko sakanya eh parang ang sarap niya maging kaibigan base sa mga tanong ko skanya. Hahahahahahahaah!
Chad, eto naman chill lang. Sa iba’t ibang van nakikisama. Di napipikon kahit binabasag siya lagi. At pinaka di ko makakalimutan sakanya, Alam mo yung titingnan mo palang siya matatawa ka na? Ganon! Hahahahhaha!
Jonabelle, eto ayos din to! Ngayun palang kami nagkakilala pero nakahiram agad ako ng sarong! Sa totoo nyan naiuwi ko pa nga! Hahahahahaha! Mabait!
Clarice, eto naman chibog is life. Tawang tawa ako kasi nung kumakain kami sa buffet, Nakita ko siya kahit naglalakad pumapapak ng isda! Hindi na nakapagantay makaupo. BWahahahahahaha! Pero in all fairness isa si Clarice kaya magiging kumportable ka sa group na to. Super Welcoming!
Heijhay, hindi ko matandaan kung nagkausap ba kami nitong tropa na to. Pero sobrang responsable! Sipag magluto, magasikaso at kung ano ano pa! Grabe! Parang everytime nakikita ko siya may ginagawa siya! Hahahahahahaha!
Mamshie, eto sabi niya magcocollapse na raw siya sa trail! Hahahahahaha! Sobrang inet kasi! Makwento at super chill lang. Masarap kausap kasi marami ng experience!
Jelli, Censored. Hahahahahaahahaah!
Whe, etong kapatid naman na to ang pasimuno ng lahat ng to! Sabi nga nila eh striktong organizer. Pero sa totoo lang tama naman kasi yung mga pangaral niya. Kaya kung tutuusin positive yung pagiging strikto niya. At pag dating naman sa bigayan ng opinyon eh talagang di rin naman padadaig! Again! Kudos sayo Kap! Sana marami ka pa matulungan!
Trish, eto ang feeling kong kayang tumapat kay Alex! As in butasan talaga ng atay! Hahahahaha! Dinayo pa kami! Pero wag ka loyal siya sa group niya! Hahahahaha Kaya okay sa alright! Hahahahaha!

Sa totoo lang walang pikon sa lahat, Kung meron man baka ako yun. Naaasar kasi ako pag naiisip ko na pag dating ng lunes hindi ko na sila kasama. Bawi na lang next time!

Meron akong dalawang grupong nasamahan, Ang Team Reggae at ang Van2! Sobrang magkaiba tong grupo na to, Yung Reggae eh sobrang simple lang. As in relax kung relax talaga. Siguro wala pa sa 100 sentence yung mga usap namin. Pero ramdam mo na welcome ka at no pressure dito, basta chill lang tayo ayos na yun! Ganon! Sa Van2 naman mauubos yung lakas mo! Hahahahahaha! Sa case ko dahil sa kakatawa sa harot nila! Pero ayos yun! Masaya yun!
Itong mga nakaraang araw marami ako natutunan sa tropa kong sila Jeff and Rhea, Kim at sa mga taong nakasama ko sa lakad na to.
May mga kaibigan na kahit di kayo laging magkausap, magkasma o nagkikita alam mo once na magtagpo kayo, siguradong siksik liglig ang kwentuhan! Quality over quantity ika nga! Tipong kahit 6mons di kayo magusap pero sigurado sa kasal niya imbitado ka. Ganern!
May mga kaibigan din na handang gawin ang mga bagay na di mo maiisip na kaya nilang isa alang alang para sayo. Tipong willing bumalik ng MRT makita ka lang. Siya magaadjust para sa pagkakaibigan niyo! Ang sarap lang sa pakiramdam!
Dito sa lakad kong to, Narealize ko na healthy din na magkaron ka ng different group of people sa buhay mo. Ikaw mismo maaasses mo kung pano ba pag ganto, pano ba pag ganyan. Ayun! Kaya maraming salamat mga bagong kapatid sa paniniwala! Hanggang sa muling pagkikita! Mwa mwa Chup chup!

Advertisements