LRM_EXPORT_20180207_155152.jpg

Magandang buhay mga repapips! So Ayun! Umakyat na naman ako ng bundok! Ordinary lang at very straight forward lang yung experience. Akyat, Baba, Lublob sa dagat tapos uwi. Simple, pero yung mga bumubuo mismo ng lakad na to ang nagdala. Isa na namang patunay na hindi kailangan ng magarbong o bonggang okasyon para maging masaya. Desisyon mo dapat na maging masaya.

Ang galing lang ng lakad na to, Kasi usually, yung mga nasasamahan ko eh pare pareho naming hilig mamundok. Sa madaling salita ang common ground namin ay ang bundok. Pero itong grupong to, Ang common ground namin ay pagbblog. Yes! Pareho ko silang nagsusulat din! Hindi talaga sila umaakyat, yung iba first timer lang. At para sakin, very admirable yun para sa isang tao. Ang sumubok ng bago. Umalis sa comfort zone. Magbakasakali. Maiihalintulad itong regalo sa sarili tungo sa tinatawag nilang Personal Development.

Noong pinplano palang yung out of town namin. At naisipan ngang umakyat. Mejo back pedal ako ng kaunti sa enthusiasm. Kasi yes, pabor sakin dahil hilig ko talaga ang bundok pero naniniwala ako na hindi para sa lahat ng pagakyat. Natakot ako na baka hindi nila maenjoy, magsisi sila at sumama sila, hindi nila maapreciate o ang pinaka ayokong mangyari eh yung saktan nila yung bundok. Pero ang kagandahan naman dun eh wala sa lahat ng nabanggit kong yan ang nangyari! Mukang nagenjoy naman sila at wala naman silang ginawa kaurat urat sa bundok! Salamats!
Disclaimer: Hindi ko sigurado kung nagenjoy sila, Opinyon ko lang yun! Hahahahahaha!

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Teka pakilala ko muna tong mga bagong kaibigan ko! Dating gawi kaliwa pakanan! Hahahahahaha! Jonathan, madalas pulutan pero kung babalikan mo yung mga sinasabi niya may point eh. Something to ponder. Genny, may magandang bag, sumbrero at buong buo raw ang boses sabi ni Jonathan! Neil, eto kapatid sa paniniwala! Grabe kwento ng buhay nito at paborito ko sa lahat ng nakasama ko! Mary Grace, ewan ko ba kung anung aurahan ginagawa niya jan at nakatagilid siya. Pero sya ang masugid naming photographer! Ang sipag at lagi lang nakangiti! Jeff, eto naman ang punong abala ng lakad na to. Mejo elibs ako sa ugali nito, naramdaman niyo na ba yung genuine concern ng isang tao? Mararamdaman mo yun pag kausap mo siya! Maraming salamat master Jeff! Rhea, eto naman ang biktima ng finger heart! Hahahahahahahah! Mahilig sa Kdrama at super masayahin, Positive and full of energy! Lyra, siguro ang pinakatumatak sakin tungkol sakanya eh yung tatoo niya sa kamay. Simple, elegante at personal. At parang iba ichura niya sa picture sa personal. Hahahahahahahaha! Jasmine, eto naman ang may pinaka mahirap na kundisyon pag dating sa health condition, Allergy siya pero to the nth level na allergy. Feeling ko kung nasa sakin yung sakit niya 3weeks lang itatagal ko sa Earth! Hahahahaha! Pero solid to, Pillar ng group namin yan! Maklein, ang dami kong funny moments sa taong to! Hahahaahahahaa! Kung pano siya magreact, paano sya mang asar, paano siya tumawa. Basta ang dami. Ang comic ng character niya. Masarap kasama kumbaga. Lhory, siguro siya ang pinka soft spoken saming lahat. After niya ako na. Bwahahahahahahaha! Pero dko masyado nachika to eh. Isa lang sure ko, isa siya sa may pinaka malinis na sapatos! Hahahahahahha! Cute, petite at maganda ngumiti! Ely, one word. DEDICATED. Yun lang. Hahahaha! At isa sa natutunan ko sa kanya, Proofread, Proofread and Proofread. Lani and Marts, sa totoo lang wala akong alam sa kanila. Bwahahahahaha! Pero they look good together. And si Joanna A.K.A Solenn, sa totoo lang Solenn Curtis daw. San ka pa? Solenn Heusaff + Anne Curtis crossbreed. Hahahahahahaha! Cherry on top Hardcore mountaineer pa. Pero lahat ng info na yan galing kay Neil! Hahahahaha! Pero sa totoo lang, para siya yung mga namumundok na nageenjoy sa silence na bigay ng gubat. Pero again tingen ko lang yun!

DSCF8203.JPG

Gusto ko lang bigyan ng malaking shoutout yung adobo namin! Sobrang sarap! Solid talaga! konti na lang didikit na siya sa luto ni ermats! Salamat Genny! Hahahahahaha! Ang problema lang tumapon yung sauce niya sa bag ko! Hahahahaha! Akala ko kasi kanin siya! Kaya ayun! Sa totoo lang isa yun sa mga palpak na nangyari sa lakad na to. Una eh yung akala ko Mt. Nalayag yung inaakyat namin, Kaya nung tinanong ko kay Neil kung mag momonolith ba tayo? Sagot niya eh nako mejo mahirap yun mga additional 7hours yun brader! Sabi ko whaaaaaat?! Then narealize ko Mt. Daguldol pala inaakyat namin! Hahahahahaha! Kaya pla di ko makita yung isa kong tropa na umakyat din ng Nalayag. Hahahaha! 2nd, Hindi ko na naman naaya si Palma sa get together ng group na to. Ironic lang kasi siya yung nagsali sa group na to pero mas ative ako. Bwahahahahahaha! Nakakalimutan ko lagi and 3rd eh yung sauce. Ang bango tuloy ng bag ko. Hahahahahaha!

P2035103.JPG

And lastly, gusto ko lang itala tong pakiramdam ko na very grateful akong nakilala ko tong mga to. Ewan ko kung ako lang ba to o nararamdaman din ng iba, Pero nasubukan niyo na bang makakita ng isang grupo na bawat isa eh may gustong sabihing may katuturan? May gustong ikwentong karanasan? May gustong ibahaging aral o kaalaman? Na nakakubli sa mga mapang asar na banat at tawanang di mapapantayan? Ganun yung pakiramdam ko habang kasama ko tong group na to. Sobrang biten ng dayhike. Pero makikita mo na lahat may laman. Lahat may ibubugha! Then naisip ko lang, Walang kasiguraduhan kung magcclick ba kami or what isa lang sigurado, Marami akong mapupulot sa kanila. Kaya sana sa muli naming pagkikita makilala ko pa sila ng mas malalim. May iiwan lang akong tanong para sating lahat. May nabasa ako. “Don’t make a habit out of choosing what feels good over what’s actually good for you.” -Eric Thomas

Paano ko maipaghihiwalay yung tingen kong mabuti sakin at yung talagang nakakabuti para sakin?

#Adobo #NaiwangItlogNiEly #GotoBats #Lomi #KulangDawBayad #MahalNgLigo #PicturanMoKoSaPuno #DoubleWedding #Jasmina #BisitaSaCebu #ProofRead #UmulanBiglangKulasan #WalangGroupPhotoMasyado #KDrama #WooTak #ParkBoGum #AngSakitNgBatoSaDagat #RockFormation #MobileBayanihan #KelanMasusundan #KakaibangKwentoNiNeil #AngLinisNgSapatosMo #Salomon #HaloHalo #Solenn #BinitbitYungKutsara #PhotoShoot

Advertisements