DSC_00904.jpg

Magandang buhay! Ayun nga ano! Natunghayan ng karamihan satin ang Blue moon, Blood moon at lunar eclipse ng January 31, 2018. Sabi nila sobrang bihira daw ng phenomenon na to. Hindi lahat nagbigyan ng pagkakataon para masilayan ang kaganapang tulad nito. Pero sa totoo lang, di ako ganun kapanatiko ng aktibidad ng buwan na to, marahil ang taas kasi ng expectation ko, Akala ko kasi sobrang lapit niya eh. Hahahahaha! Pero ganun pa man isa paring nakakabilib na pangyayari ang naganap.

Habang nagaabang kami ng mga utol ko sa labas ng bahay para matunghayan ang lunar eclipse. Bigla akong napaisip, Bakit ang espesyal ng pangyayaring ito? Na kung tutuusin, ang buwan eh tulad ng ibang bagay sa kalawakan ay binubuo din ng 4 common element, Ang oxygen, hydrogen, carbon at mga maliliit ng porsyento ng ibang elements. At alam mo ang matindi? Kasama dun ang mga tao! Tayo! Binubuo rin tayo ng apat na chemical elements na yan! Akala ko dati espesyal tayo. Primera klaseng bagay sa kalawakan. Kumbaga parang gifted! Binigyang pansin! Pero parehas lang tayo ng buwan. Paano tayo magiging kakaiba kung ang bumubuo din satin eh pare pareho lang? Hanggang sa lumabas na si ermats. Nakita kami, nakangiti siya samin, Sabi niya, “Ano inaabangan nyo? Bakit kayo andito?” Pinaliwananag ng nakakababata kong utol ang ginagawa namin. Then, Narealize ko. Minsan, hindi importante kung kapareho mo lang yung iba. Merong mga taong ituturing kang espesyal dahil sa hindi maisplikang rason. Tulad ng mga magulang ko, Kahit na pareho lang ako ng ibang bata, ng ibang anak, ng ibang tao. Katangi tangi parin ang turing nila sakin. At ang hindi maisplikang rason na yun ay ang Pagmamahal. Para sa mga taong nagmamahal sayo, Hindi mo kailangan maging espesyal o kakaiba para mahalin ka nila, Kaya ka espesyal kasi mahal ka nila. Kaya tayo, pag may mahal tayo! Sabihin, paramdam at pakita natin! Huwag na tayo magantay ng okasyon or excuse para gawin yun. Push mo lang! Nanay  mo, utol mo, erpats mo, tito mo, lola mo mga tropa mo, syota mo, asawa mo, boss mo at kung sino pa man! Sabi nga ng mga veteran, Sa huli, mas pagsisisihan mo lang yung mga bagay na di mo ginawa kesa sa mga ginawa mo.

Maraming Salamat pla sa bagong tropa, Ramon Parica para sa napakalupet na kuha mo ng buwan! Shoutout sa Climbmate.ph

Advertisements